Category Archives: Litratong Pinoy

Litratong Pinoy: Freestyle (Kahit ano)

Ika 3 anibersaryo pala ngayon ng Litratong Pinoy. Maligayang bati po. Wala namang kinalaman ang larawang ito sa anibersaryo ng LP, natutuwa lang ako na muling makita ang larawan namin ng aking kumare at kasamahan sa trabaho, si Mia. Syempre ‘di kami ang bida sa larawang ito na kinunan sa isang bahay sa Tacloban City, kundi ang dating Gobernador Benjamin Romualdez. Sabit lang kami. hihi.

Si Gob. po ay nakababatang kapatid ng dating Unang Ginang Imelda Marcos. Si Gob din ang may-ari ng publikasyon na aking dating pinanglilingkuran (Journal Group of Publications).  Isang trivia sa larawang ito. Alam ba ninyo na ang mahabang kwintas na suot ni Gob ay isa rosaryong pilak na regalo ng kanyang kabiyak.  Ang krus na bahagi ng rosaryo ay nakakubli sa kuwelyo ng damit ni Gob.

(Ako pala ‘yung may suot na berdeng pantaas.)

LP: Ito (This)

Hindi ko inilalayo ang digital thermometer na ito sa tabi ko simula pa noong Lunes ng gabi. Parehong anak ko ang kasalukuyang may sakit at malalaman namin mamaya pagtungo namin sa doktor kung ano ang sanhi ng mataas nilang lagnat. Sana hindi naman dengue at simpleng trangkaso lamang.

Ito ang lahok ko para sa Litratong Pinoy.