Litratong Pinoy: Freestyle (Kahit ano)

Ika 3 anibersaryo pala ngayon ng Litratong Pinoy. Maligayang bati po. Wala namang kinalaman ang larawang ito sa anibersaryo ng LP, natutuwa lang ako na muling makita ang larawan namin ng aking kumare at kasamahan sa trabaho, si Mia. Syempre ‘di kami ang bida sa larawang ito na kinunan sa isang bahay sa Tacloban City, kundi ang dating Gobernador Benjamin Romualdez. Sabit lang kami. hihi.

Si Gob. po ay nakababatang kapatid ng dating Unang Ginang Imelda Marcos. Si Gob din ang may-ari ng publikasyon na aking dating pinanglilingkuran (Journal Group of Publications).  Isang trivia sa larawang ito. Alam ba ninyo na ang mahabang kwintas na suot ni Gob ay isa rosaryong pilak na regalo ng kanyang kabiyak.  Ang krus na bahagi ng rosaryo ay nakakubli sa kuwelyo ng damit ni Gob.

(Ako pala ‘yung may suot na berdeng pantaas.)

2 thoughts on “Litratong Pinoy: Freestyle (Kahit ano)

  1. Blotspace

    Di ako familiar sa litratong pinoy pero mukhang interesting. Di ko akalain na may anibersaryo din pala ang ganyan. First time ko po dito sa blog nyo ate Yam. God bless po. 🙂

  2. Pingback: Old man driving | Yam's Files

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.