LP: Dalawang uod (two caterpillars)

Dating malago ang dahon ng halamang ito noon bago pamahayan ng dalawang uod (caterpillar) na nasa larawan. Dahon ang paboritong kainin ng mga uod kaya heto at nakalbo ang halaman. Kay bilis nilang kumain kaya makalipas ang ilang araw ay nakita ko na lamang na nababalutan na sila ng puting sapot o cocoon.

Lumipas pa ang ilang araw at tumambad sa akin ang dalawang magagandang paru-paro. Lumilipad, palipat-lipat sa mga bulaklak na kanilang madapuan. Kay ganda nilang pagmasdan… Ang halaman na dati nilang tahanan ay unti-unti namang bumabalik ang dahon.  Baka bukas makalawa ay mayroon na naman akong makitang uod.

Maligayang pagbabalik sa Litratong Pinoy.  Silipin niyo naman ang ibang lahok.

2 thoughts on “LP: Dalawang uod (two caterpillars)

  1. admin Post author

    @Jay, naubos talaga ng mga caterpillar ang dahon ng buong halaman…nag-metamorphose na ang mga uod…malaya na silang paru-paro ngayon. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.