Tag Archives: Litratong Pinoy

LP: Manipis (Thin)

Ang dalawang banyagang ito ay gumaganap sa Trampoline Acrobat and Mascot Show bilang highlight ng Rap, Jump and Roll Show sa Ocean Adventure. Isa kami sa nakisaya sa palabas kasama ng ibang manonood. Parang kay gagaan nilang tumalon sa ere dahil sa suot nilang manipis at sa wari ko ay madulas na kasuotan. Lubha silang nagbigay ng kasiyahan sa bawat bata at mga magulang na naroroon. Sana makabalik kaming muli sa Ocean Adventure kasama na ang buong pamilya.  🙂

Bisitahin ang ibang pang “manipis” na lahok sa Litratong Pinoy.

LP: Makapal (Thick)

|

Guhit ito ng aking anak na si Naomi. Realism daw ang tawag sa ganitong uri ng drowing.

Gaya  ng ibang mga ka-LP nahirapan din akong magisip ng lahok para sa araw na ito. Makapal ang tema. Naalala ko hindi ko pa naipo-post ang drowing na ito. Ito ang pinakabagong drowing ng aking 13 anyos na anak. Paborito niyang artist si Michael Jackson kaya naman madalas rin niya itong iguhit.

Makapal at maitim ang buhok ni Michael Jackson kaya naman kinapalan din ng aking anak ang shading sa buhok nito.

Ito ang aking lahok. Bisitahin ang ibang pang lahok sa Litratong Pinoy.

Maligayang Huwe-best!