Tag Archives: litratong pinoy

Litratong Pinoy: Freestyle (Kahit ano)

Ika 3 anibersaryo pala ngayon ng Litratong Pinoy. Maligayang bati po. Wala namang kinalaman ang larawang ito sa anibersaryo ng LP, natutuwa lang ako na muling makita ang larawan namin ng aking kumare at kasamahan sa trabaho, si Mia. Syempre ‘di kami ang bida sa larawang ito na kinunan sa isang bahay sa Tacloban City, kundi ang dating Gobernador Benjamin Romualdez. Sabit lang kami. hihi.

Si Gob. po ay nakababatang kapatid ng dating Unang Ginang Imelda Marcos. Si Gob din ang may-ari ng publikasyon na aking dating pinanglilingkuran (Journal Group of Publications).  Isang trivia sa larawang ito. Alam ba ninyo na ang mahabang kwintas na suot ni Gob ay isa rosaryong pilak na regalo ng kanyang kabiyak.  Ang krus na bahagi ng rosaryo ay nakakubli sa kuwelyo ng damit ni Gob.

(Ako pala ‘yung may suot na berdeng pantaas.)

LP: Sisidlan (holder)

Sisidlan (holder) ang tema ngayong Linggo sa Litratong Pinoy. Naiisip ko ang MV Doulos bilang isang napakalaking sisidlan ng mga aklat na naglalakbay kasama ng daan-daang mga boluntaryo saan mang panig ng mundo.

Kinunan ito habang nakadaong sa Port Area, Manila noon nakaraang taon. Isa ang pamilya ko sa mga namasyal at namili ng ilang pirasong libro sa “floating library“.

more about MV Doulos…