Crime Prevention and Safety Tips for Summer Vacation 2015

mamamng pulis 3-31-15

THE Philippine National Police has urged the public to be more vigilant especially those who are leaving their homes for the Holy Week.

PNP Deputy Director General Leonardo Espina said there are safety reminders that will help save lives and properties.

“Every member of the community will play a vital role in our aim to maintain peace and order and security in our country. Our Crime Prevention and Safety Tips can help prevent or reduce the people’s chances of becoming a victim of lawless activities and criminals particularly members of Akyat-Bahay Gang,” he said.

KUNG IIWANAN NA WALANG BANTAY SA BAHAY

  1. Ikandado ang lahat ng pinto at bintana; tiyakin na walang dadaanan ang sinuman na may tangkang pumasok at magnakaw;
  2. Mainam kung may “burglar alarm” para maalerto ang mga kapitbahay kung may pumasok sa kabahayan;
  3. Iwasang mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob. Mainam din na iwanan na bukas ang radyo para kunwari ay may tao sa loob ng bahay;
  4. Itagubilin sa pinagkatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik;
  5. Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric o gas stove o tumutulong gripo ng tubig at naka-plug na appliances;
  6. Iligpit ang anumang mahalagang bagay o pag-aari sa labas ng bahay na maaaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan o bisikleta o sasakyan.

KUNG BIBYAHE AT MAGDADALA NG SARILING SASAKYAN

  1. Bago bumiyahe, tiyakin na maayos at walang problema ang sasakyan, at tandaan ang mga sumusunod: Battery, Light, Oil, Water, Brakes, Air and Gas o BLOWBAG;
  2. Tiyakin na kumpleto ang dokumento mo sa pagmamaneho at papeles ng sasakyan, kasama ang Insurance Certificate;
  3. Tiyaking naka-safety lock ang mga pinto at bintana lalo na kung may kasamang mga bata sa sasakyan;
  4. Sa pagmamaneho, tiyakin na palaging kontrolado mo ang sasakyan. Iwasan ang one-hand driving o paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, kung nakainom ng alak, nahihilo o inaantok;
  5. Kung nagmamaneho sa gabi, gamitin nang wasto ang headlights at signal lights. Huwag magmaneho kung malabo ang paningin.

KUNG GAGAMIT NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN

  1. Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng salapi. Ingatan ang cellphone, at appliances na malimit dalhin tuwing bakasyon;
  2. Iwasang magdala ng maraming gamit para maiwasan ang pagkawala ng mga ito at para hindi mahirapan sa biyahe;
  3. Mainam na maging maaga sa istasyon ng bus/tren, pier at paliparan upang maiwasan ang siksikan at matiyak na maayos ang puwesto sa sasakyan, lalo na para sa mga kababaihan, bata at senior citizens;
  4. Kung may mapansin na kakaiba tulad ng bagahe o kahon na maaaring pinaglagyan ng bomba, kaduda-dudang pagkilos ng tao sa istasyon, pier, paliparan o sa loob mismo ng bus, tren, barko o eroplano, palihim na ipaalam agad sa kinauukulan;
  5. Mag-ingat sa mga mandurukot sa istasyon at sa loob ng sasakyan. May mga nakatalagang Police Assistance Post sa bawat istasyon, pier o paliparan na maaaring pagsumbungan.

(For quick police assistance. Call DILG Patrol 117, the NCRPO hotlines 838-1505, 838-3203, 0999-3247882, 0916-7870885, the PNP hotline ‘I-Text Mo Kay Tsip at 0917-8475757, PNP Txt 2920 and the Police Anti-Kidnapping Group’s hotlines (+63) 918-900-2020 or at (02) 727-0000).

Source

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.